Ang Nuno
Sadjestyon ni Alex, ito daw ang tema this November... Kalat-kalat na Alaala ng Angono Days... Ito ang po ang pumasok sa utak ko:
1. Bayan sa Tabing-Lawa, Kanlungan ng Kultura't Sining.
Kilala ang Angono sa larangan ng sining. Nalaman ko yun lalo na nung magtour ang buong VHS community sa mga galleries. Academic Ministry yata nagsponsor nun. Syempre nung simula maraming braders.. aba, habang lumilipat sa mga gallery, bakit paunti nang paunti ang tao? Saan napadpad.. either Sta. Lucia or SM Mega.
Tuwing pyesta, makikita mo ang Higantes pati ang parihadora galing sa lawa. Viva San Clemente!!! Sabuyan ng tubig.. Pahiran ng Putik... Martsa.. Paramihan ng makakainang bahay.. Teka, si Qhris Balis ang winner, tama ba? or si Alex yata or si Mandy Pangilinan kasi si Alex at Levi nasa SM Mega pagkakain ng breakfast kay Ate Pina. Unang stop kina Tita Minyang at Kuya Beloy malapit sa APHS.. tapos kanya kanya na... Kina at Ghoyie, KimJoe, Ate Pina, Farmacia Magdalena, Ate Chona d Miss Violet, Ate Bheng.. Bumabaha ng pagkain.. Ube, Leche flan, chicken salad, sinigang na isda, kare-kare... ah basta, ang alam ko, ako.. pagkakain sa isang bahay, diretso agad sa sm mega.. levi, neil, bogs, minsan nanood tayo ng sine from opening hanggang 5pm.. then umuwi tayo just on time for supper sa bahay ni KimJoe kasi ang bus ni Mang Tony naghihintay.. sabay-sabay uuwi wid da prayles...
Kilala rin ang Angono dahil sa easter celebration.. kaso bakasyon yun kaya walang masyadong maraming braders.. naalala ko, kami lang yata ni Neil Piesta ang hindi umuuwi. Maganda ang celebration sa Parokya ni Pads Pasty...
2. Ang Sarap ng Balut at Itik (pati na rin Hopia at Chocolait sa canteen ni Kuya Val Jovero).
Pagkatapos ng supper, diretso agad sa canteen para kunin ang ipinareserve na balut kay Kuya Val. Kadalasan lista.. Minsan naman cash.. Dati, opening ng canteen, meron pang ribbon-cutting.. ayun, nilusob at naglahong parang bula ang mga paninda.. lugi ang canteen... Naalala ko rin ang hopiang monggo..
Pinaka da best ang balut, fried itik at mixed nuts tuwing may class party or sharing hindi lang dahil masarap kundi dahil nagiging intstrumento ng pagbabahaginan. Kadalasan sa rooftop ang venue pero minsan naman sa casita or sa kubo.. nung 2nd year tayo kadalasan dun tayo sa mini-veranda taas ng salita.. tagayan ng punch habang nagshasharing..
3. Victoria Secrets, Graceville Pantiliners
Martes or Hwebes, pagkagaling ng Adamson.. pagliko ng bus galing sa highway papasok sa Guido, nagigising lahat... bakit kaya? ang iba nagtatapon ng tinapay sa mga batang naghihintay kay brader.. ang iba, nagtatapon ng sulyap kasi pagdaan ng Victoria at Graceville andun ang mga tagahanga. kaway lang ni brader kumpleto na ang araw.. kilig to da bones... oopppsss...
4. Midday Payanig ng Concrete Aggregates
Hindi kumpleto kung walang jeep ng crasher na aakyat ng lunch time.. hindi kumpleto kung walang sasabog twing tanghali... Minsan, naalala ko, nabutas ang bubong sa dorm ng OY sa taas ng Library.. OY nun sila Pabs.. Si Jervy de Guzman yata ang andun sa dorm nila nang biglang sumabog at bumagsak ang malaking tipak ng bato sa dorm..
5. Pyesta sa Kapilya ng Pinagpala 2-B
Twing pyesta sa bundok, simple lang pero ang saya.. may banderitas, may handaan, may misa. makikita mo ang karisma ni brader... makikita mo ang mga taong nabibigyang pagasa... konting ngiti lang ni brader.. konting tapik sa balikat ni ate didang at konting salita ni brader gumagaan na ang pasanin nya
Ay teka, di ba dati nagkaron din ng time na nagkaron ng Christmas Party sa bundok.. marami nasolicit sa SM kaya nagkaroon ng mga give-aways..
6. Unishoppe
Wala namang ibang shoppingan na malapit kundi ang Unishoppe.. malapit sa terminal ng tricycle at jeep.. dito tayo bumibili ng lucky me pancit canton pati na rin century tuna at pork and beans.. pang-meryenda pati na rin ulam pag di masarap ang luto ni Mang Ely o Mang Tino.. Pag nagpaalam puntang Unishoppe after lunch, well, diretso na rin sa pagbili ng Abante.. sino nga yung kilala sa koleksyon ng Abante at Hot Copy?
7. Angono Golden-Girls at mga Chuwariwariwap
Ay, nararamdaman ang presence ng mga Golden Girls at Chuwariwariwap twing Reunion (January at September).. Usually, sa food committee sila tumutulong.. Dahil naging procurator rin ako, nakasama ko si Ate Noli mamalengke sa Pasig. Nakatulong rin si Ate Ghoyie sa Friday special meryenda. Nakakamiss rin si Tita Minyang.. Sya nanay ko nung Recognition Day natin.. sad to say, she passed away because of cancer... Nadalaw ko pa sya.. kahit alam ko hirap sya dahil sa chemo, kita ko pa rin ang peace of mind nya.. Pero kahit na wala na sya, nakapamyesta rin ako sa bahay nila bago ako lumipad ng Tsina. Andun pa rin si Abel at Marit pati na rin si Kuya Beloy...
Teka, di ba sila Cathy, Ana, Owie, Ate Bheng at ang iba pang mga lectors nagpaparamdam din twing may okasyon? Pati na rin Chris Sicam...
8. Ang Swimming Pool at Kubo
Nung first year tayo, yun na rin yata yung last year na nakapag-enjoy tayo sa swimming pool malapit sa bahay nila Aling Josie.. Kasi, nung sumunod na taon, nagkaroon na ng mudflow dahil sa Golf Course sa bundok....
Twing siesta, enjoy sa hiking pababa sa kubo tapos sabay ligo sa pool..
9. Bloopers...
Hindi rin makakalimutan:
* "Pagbasa sa aklat ni PROPETA KORINTO.."
* ang Adoracion Sisters of the Foreskin founded ni Venson V
* mga pakulo ng bawat ministry at klase.. sumayaw kami ng EL BIMBO ni Neil Piesta sa orientation nila Rodge kasi kami ang inassign ng Social Minister.. nagparihadora kami for the Wednesday Special, nagMs.Universe sila Josaphat Gacoscosim, Allan Escoto, Francis Escandor..
* pagkatapos ng outside work, iniwan ang mga walis at dustpan kasi unahan na sa basketball, tennis at pelota court.. nagalit si bhonz minsan kasi sya ang outside work director
* mga pelota queens at princess.. pagalingan ng hataw at bagsak ng katawan pagkalipad sa ere.. bagsak with poise at finesse.. well, salamat sa training ni Pads Leonard naging pelota princess rin ako..
* si Pads Leonard, nahuli ng pulis dala ang Fiera.. hindi sya tumigil so hinabol ng pulis.. yun pala hindi dala ang lisensya so kinuha pa sa kwarto nya saka pinakita sa pulis..
yun lang siguro.. if may maidadagdag kayo, mas mainam.. Mabuhay ang mga Anak ni Enteng!!
<< Home