Thursday, August 17, 2006

Al Novelero: Isang Paggunita

ni Emiliano Dumalaog

Nasa huling taon kami ng minor seminary noon. Ka-klase ko si Al Novelero. Katulad ng nakagawian taun-taon, nagkaroon ng try-out para sa bakanteng slot sa varsity team sa basketball. Kasama na ako sa Varsity team noon at isa si Al sa nag-tryout. Si Al ay medyo may kabagalan , katabaan at hindi naman kataasan, mga katangian para sa iba ay limitasyon pero hindi para sa kanya. Sa try-out, ipinakita niya ang ibang klaseng sipag at determinasyon. Ngunit para sa isang laro na kung saan ang taas at bilis ay napakahalaga, kapansin-pansin ang kanyang mga pagkukulang.

Dahil sa pagpili noon ay ginagawa ng mga natitirang varsity players , pinilit kong maisama si Al sa team. Sinabi ko sa mga teammates ko kung gaano kahalaga kay Al ang maging miyembro ng varsity dahil huling taon na niya noon sa St. Vincent's, samantala ang iba naman ay may pagkakataon pa sa susunod. Pumayag naman ang mga teammates ko dahil karamihan sa kanila ay ka-klase rin ni Al. Ang saya-saya ni Al nang malaman niyang kasama siya sa Varsity team. Hindi niya akalain na mapipili siya. Natupad ang isa sa mga simple niyang pangarap.

Naging maigsi ang buhay ni Al dahil nasawi siya sa isang aksidente noong taon ring iyun. Pero lagi siyang mananatiling buhay sa ala-ala ko.

(flickr photo: http://www.flickr.com/people/jimenezarthur/ )

Florida Mesothelioma Lawyer
Florida Mesothelioma Lawyer Counter