Monday, September 11, 2006

Salamat, Fr. Monty!


ni Emiliano Dumalaog

Hindi ko na matandaan kung anu-ano ang mga pinagusapan namin noon ni Fr. Montanana. Nasa 4th year ako ng minor seminary sa Tandang Sora kung saan namalagi si Fr. Monty (palayaw ni Fr. Leandro Montanana) pagkatapos mag-retiro bilang Presidente ng Adamson University. Nakaugalian na ni Fr. Monty na maglakad-lakad pagkatapos maghapunan at kadalasan sinasamahan namin siya sa kanyang paglalakad. Nalilibang siya sa aming " un poquito" na kaalaman sa wikang kastila at namamangha siya sa aming bihasang pagsasalita ng Ingles ( siyempre, may journalistic license ako mag-embellish the truth. Kuwento ko ito,eh!)

Naging mahalaga para sa akin ang ala-ala ni Fr. Monty kasi kahit malaki ang agwat namin sa kaalaman at karanasan, ni minsan hindi niya binalewala ang aking opinyon o minaliit ang aking kaalaman.Naging bukas siya sa aming pananaw.

Fr. Monty, salamat sa magagandang ala-ala!

Florida Mesothelioma Lawyer
Florida Mesothelioma Lawyer Counter