2008 Annual Recollection...Unfiltered
hi guys - i just got back from the recollection - as in kakadating ko lang sa bahay and i want to share with you all what happened during the recollection.mga nag-attend (in random order) - ako, dino (siempre classmate).. .bogs & warren (the dynamic duo) , meng, jeff, emong, vernon (the 3 stooges + 1), jord (the lawyer), brian (the-soon-to- be-lawyer) , ace (who happens to live near the seminary) & leo (the original kidney donor) siempre - si fr. kiko magnaye (ang facilitator) .
They had lunch (late kami ni brian dumating kasi...hehehehehe. ..no malice intended) - and around 2pm nag-start na ang recollection - doon sa bagong chapel sa ibaba. the theme "vincentian spirit" (tama ba?). maraming magagandang points fr. kiko shared sa group about the "vincentian spirit" - specifically in helping the poor. maraming magagandang sharing - parang namulat kami muli sa kagandahan ng "vincentian spirit" lalu na ang application & relevance nito sa current status ng ating buhay. well - di ko na maisusulat ang karamihang sharing - pero in a coconut-shell - maraming dimensions ang pag-tulong sa mahihirap - ang malaking challenge posted to us - are we ready? sabi ni fr. kiko - siguradong babaguhin ang buhay mo once nakisalimuho ka sa mahihirap - game ka na ba?! (gay na!) again - napaalalahan kami na mas mainam sa pagtulong sa mga mahihirap ay ang isang organized at samasamang pag-gawa ng programa para maibsan ang kahirapan. naalala ko din yung sharing ng "hating kapatid" sa pag-tulong - and yung discernment then action - principle (may kulang na isa pa dito...forget ko eh...not listening!.. .look ba?)pero sa kabuuan - naging instrumento itong event na magkasama-sama muli ang karamihan (doon palang sulit na) - then we're reminded of our spiritual heritage which is - vincentian.siempre may misa to end the recollection.
kung sa shooting ng pelikula...change location! umakyat kaming lahat sa rooftop - ang sarap ng feeling to be there sa tuktok...humahangin ng magagandang memories ang lugar (try ko pa'ng maging poetic dito) - thanks to emong's sort of sponsorship ng drinks + pulutan...masayang kwentuhan... tawanan.. .kanchawan. ..tawanan. ..marami akong na-diskubreng mga insights about life doon sa rooftop...nalaman ko na ang buhay pala ay parang eroplano - punta kang airforce 1 - pero mahal nga lang mag travel ng eroplano...subukan mong maging environmentalist and go to wilderness.. .o kaya mag-alaga ka ng pussy cat...hahahahaha! mag iiba talaga ang pananaw mo sa buhay...at tumaas na talaga ang presyo ng galungong... am sure di lang yun ang tumaas ang presyo...diba warren?i'm running out of adjectives to describe the day...para sa akin napaka gandang pasimula ng holy week...sana sa susunod maka-attend yung iba...and i suggest you stay longer para dun sa stage 2 para ma-enlighten ka ng todo!i wish you all a blessed holy week - mahal tayong lahat ng diyos!
in st. vincent de paul
...alwyn b cruz
<< Home