Mga Bayani sa Gulod
Hindi makukumpleto ang alaala ng buhay sa Gulod kung wala ang mga taong naturingan nating STAFF o Worker... Sila, sa kanilang munting pamamaraan, ang nagpatakbo ng buhay natin sa loob ng bakuran ng VHS..
1. Mang Tony - taga-Isabela, Simple, tahimik, Tatay, drayber, asawa ni Aling Christy.. Imadyin, ang bus na ginamit nung panahon pa ni kopong-kopong, dahil sa galing nyang magmaintain, nagamit hanggang pa sa panahon natin. Twing Martes at Hwebes, Adamson days, maagang umaakyat si Mang Tony... magkakape, kakain, magpupunas ng bus. Bus at Mang Tony.. Mang Tony at bus...
2. Mang Garas - taga-Iloilo, Maskulado kabubuhat, mapagbiro... Meditation time, patakbong umakyat pasan ang malaking timba para sa kaning baboy... nagkikita kami sa kusina kasi meditation pa lang, nagkakape na ako.. Pagkatapos ng unang klase sa umaga, unahan na kay Mang Garas kasi andyan na ang fiera galing sa palengke.. Dala na ni Mang Garas ang sulat para kay brader...
3. Mang Ely - Balingkinitan, palangiti, minsan korny ang jokes.. ulirang ama.. asawa ni Aling Josie... bitbit ang plastik ng tinapay.. minsan pan de kokong super tuyo ang laman.. minsan naman cheese roll na super sarap.. o minsan mamon na di mo maintindihan kung mamon o toasted bread.. puting t-shirt at light blue at grey na pantalon ang kadalasang suot nya..
4. Mang Tino - taga-Iloilo, single, maki-manok, taga-luto at nagaalaga ng gubat.. obyus na siya ang nagsasalita dahil sa PI na ginagawang period.. kakamot.. dadahak.. naka-short, sukbit ang itak, suot ang sumbrero...
5. Mang Maning (RIP) - taga-Isabela, kapatid ni Mang Tony.. may pagka-playboy.. matangkad.. magaling magsalita... huli kong balita, sumakabilang-buhay na..
6. Mang Albert - hardinero, maopinyon, palabiro, radikal.. laging tumatagal ang pakikipagusap ko sa kanya lalo na nung may Contemporary Philo tayo kay Pads Danny..
Sila ang mga taong nagalaga at tumugon sa ating mga pang-araw-araw na pangangailangan. Huling dalaw ko sa VHS.. Wala na karamihan sa kanila... Nakakalungkot isipin.. Dasal ko lang, sana nasa mabuti silang kalagayan... Sana malusog at masaya sila saan man sila naroroon...
<< Home