Tuesday, November 15, 2005

Makakalimutin

TRIVIA
ni Arbs Saniel

Adamson
Tanong: ano ang ipinapahid sa ilalim ng upuan ng Adamson na aksidenteng nakita ni Timoy at paulit ulit na kuwento ni Christian Balis jr? (Iyong mga pasimpleng pahid. Maliit lang siya at malambot)
*********
T Bar? Balawis?
*********
Sa batis na kung tawagin ay gripo
San Marcelino
Kapag pumunta ka sa San Marcelino
Hindi mo siya mapansin.
Ang gripo bago pumasok sa tagiliran ng simbahan.
(Maliban na lang kung ikaw ay isang brader.)
**********
Itik
Angono
May Kasabihan ang magiinum “Lintek, ang lakas uminum, parang itik!”
Sa iba kasabihan iyon sa Angono totoo. Sa Angono ka lang mamamakita ng itik na marunong mag beer at marunong makinig.
(Kung nakapunta ka ng Angono at hindi mo nakita ang itik kung sinasabi, lumapit ka lang kay Fr. Dino, hindi ka mabibigo.)
**********
Si Buldog
Angono
Naalala ko pa nong kalakasan pa ni Buldog, lahat gusto sa kanya, lahat ng brader nag uunahan. Pero kagaya ng lahat, tumatanda rin si Buldog. Hindi na siya kasing bilis ng dati. Nasa nobisyo ako noon (2000) buhay pa si buldog, hindi na siya lapitin. Mabagal na kase at masakitin. Mang Garas, nasaan na si buldog?
**********
Tandang Sora
Wala akong matandaan kung hindi ang salitang “PUSANG KANO”
Kayo ba meron?

*Salamat ulit kay Arbs.

Kwento Lang

ni Arbs Saniel

last 2002 nakapasok ako sa website ng adamson university. sino ba naman ang makakalimot sa adamson kahit na hindi nakapunta sa gulod ng VHS,
saksi si mang tony sa lahat.

sino ang makakalimot, si brader magdadala ng almosal at kumain sa adamson pagkatapos ng misa. (itanong mo kay acebo at naval)

sino ang makakalimot, si brader nagsisipilyo sa likod ng simbahan, doon sa pinto papasok sa altar. (pareng robert encinas, jynty, rex fortes et al.)

sino ang makakalimot, sa falcon na hati hati ang order ng ulam para mas marami (Itanong ninyo kay alex at noli galgana.) Baka may sobrang ticket pahingi naman...diyan...

sino ang makakalimot, sa bus, nakahubad si brader, nagsisiesta. pawis na pawis
(itanong mo kay francis cruz kung ano ang baon niya araw araw sa adamson? o kaya sa NBI agent natin.)

Sino ang makakalimot ng singaw ng bus kapag pauwi na sa Angono at umuulan. sarado lahat ang bintana. (parang sardinas.)

OOOOOHHHHHHH angooonoooooo!!!!!!OOOOOOOanghonooooo....ooooooHHHHH
angonooooo....... (makakalimutan mo ba yan?)

Tuwing fiesta sa angono, sino ang makakalimot kay Christian Balis na Junior (hindi iyong tatay ha) padamihan ng nakainan. Ilan? hula hula brader? si kim jo last at doon mag kita kitz!

walang makakalimot niyan kase ang bus ng adamson doon maghihintay, kung hindi maglalakad ka pauwi sa gulod!

hindi mo makakalimutan ang angono bus at adamson (isama mo pa ang mga sisters natin doon. (itanong mo kay arvin na kaklase ni julius m.)

eto ang siste....

nakalimutan tayo ng adamson. walang alumni na philosophy. makakapamili ka from engineering to pharmacy, wala philosophy. buti pa political science meron.

tayo wala. Bakit?

*Salamat kay Arbs na pumayag i-post ang email nya sa ACMPhil. Ka-batch sya ni Naval, Acebo, Pisat... (tama ba?)

VHS Batch 1993

 Posted by Picasa


If you look closely, you can see the current workplace of one of our batchmates.. Some of us worked here during our one-year exposure.. Posted by Picasa


The strait... once we crossed here aboard a ferry.. during our community tour... Posted by Picasa


Can you remember?... From a distance, you can see jeeps plying the CPU- VV route..  Posted by Picasa

Thursday, November 10, 2005

Mga Bayani sa Gulod

Hindi makukumpleto ang alaala ng buhay sa Gulod kung wala ang mga taong naturingan nating STAFF o Worker... Sila, sa kanilang munting pamamaraan, ang nagpatakbo ng buhay natin sa loob ng bakuran ng VHS..

1. Mang Tony - taga-Isabela, Simple, tahimik, Tatay, drayber, asawa ni Aling Christy.. Imadyin, ang bus na ginamit nung panahon pa ni kopong-kopong, dahil sa galing nyang magmaintain, nagamit hanggang pa sa panahon natin. Twing Martes at Hwebes, Adamson days, maagang umaakyat si Mang Tony... magkakape, kakain, magpupunas ng bus. Bus at Mang Tony.. Mang Tony at bus...

2. Mang Garas - taga-Iloilo, Maskulado kabubuhat, mapagbiro... Meditation time, patakbong umakyat pasan ang malaking timba para sa kaning baboy... nagkikita kami sa kusina kasi meditation pa lang, nagkakape na ako.. Pagkatapos ng unang klase sa umaga, unahan na kay Mang Garas kasi andyan na ang fiera galing sa palengke.. Dala na ni Mang Garas ang sulat para kay brader...

3. Mang Ely - Balingkinitan, palangiti, minsan korny ang jokes.. ulirang ama.. asawa ni Aling Josie... bitbit ang plastik ng tinapay.. minsan pan de kokong super tuyo ang laman.. minsan naman cheese roll na super sarap.. o minsan mamon na di mo maintindihan kung mamon o toasted bread.. puting t-shirt at light blue at grey na pantalon ang kadalasang suot nya..

4. Mang Tino - taga-Iloilo, single, maki-manok, taga-luto at nagaalaga ng gubat.. obyus na siya ang nagsasalita dahil sa PI na ginagawang period.. kakamot.. dadahak.. naka-short, sukbit ang itak, suot ang sumbrero...

5. Mang Maning (RIP) - taga-Isabela, kapatid ni Mang Tony.. may pagka-playboy.. matangkad.. magaling magsalita... huli kong balita, sumakabilang-buhay na..

6. Mang Albert - hardinero, maopinyon, palabiro, radikal.. laging tumatagal ang pakikipagusap ko sa kanya lalo na nung may Contemporary Philo tayo kay Pads Danny..

Sila ang mga taong nagalaga at tumugon sa ating mga pang-araw-araw na pangangailangan. Huling dalaw ko sa VHS.. Wala na karamihan sa kanila... Nakakalungkot isipin.. Dasal ko lang, sana nasa mabuti silang kalagayan... Sana malusog at masaya sila saan man sila naroroon...

Wednesday, November 09, 2005

BIRTHDAYS, DIRECTORY AND OTHER BLOG CONCERNS

As suggested by Levi, I have tried creating our directory and list of birthdays. You may give me (magnuslex@yahoo.com)your current address and "preferred" birthday and I will post it myself. You may access it through http://acmvai.blogspot.com Please see the LINK also to access.

Please do not subscribe to any add (Google and others) for it destroys the beauty of our template.

If you want to post a blog, please give me your email address and I will send you an invite. Accept the invitation to be considered as a contributor. As you may noticed there are only four official contributors listed, Bogs, Levi, Jim and Myself. We are more than happy to welcome you in the group. Glen, Brian I am sending you an invitation, please accept it.

If you have noticed, the articles that are coming now are of excellent quality. Keep it coming and keep it on fire.

Mabalos

Florida Mesothelioma Lawyer
Florida Mesothelioma Lawyer Counter